Lumaktaw sa pangunahing content

Karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea

Karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea



                    Ano bang ipinaglalaban ng Pilipinas sa International Tribunal for the Law of the Sea(ITLOS) at bakit mahalaga itong bantayan ng bawat pilipino ? Bakit nagtitiyagang magbuwis ng buhay ang mga sundalong Pinoy sa barkong nakapatong sa Second Thomas Shoal na nabubulok na roon mula pa noong 1990? Ano ang mahihita natin sa mga islang pinag aagawan sa West Philippine Sea?
                    Inilapit ng Pilipinas sa ITLOS ang hinaing ng ating gobyerno patungkol sa matagal ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea sa pagitan ng ating bansa at ng Tsina. Bunsod na rito ng aksyon ng tsina gumawa ng base militar sa Spratlys na ikinabahala hindi lang ng Pilipinas kung hindi pati na rin ang ating mga karatig bansa.
                   Ang West Philippine Sea ay matatagapuan sa Timog Tsina at Taiwan, Kanluran ng Pilipinas, hilagang kanluran ng Malaysia at Brunei , Hilaga ng Indonesia, Hilagang silangang bahagi ng Singapore at silangan ng Vietnam.
                   Ayon sa desisyon walang legal na basehan ang historical na pag angkin ng Tsina sa mga yamang loob ng "nine dash line" nito sa West Philippine Sea. Nilabag rin ng Tsina ang obligasyon nito sa ilalim ng Convention on the International Regulation for Preventing Collision at Sea noong 1972.
                Nagbunyi noong Hulyo 13 2016 ang buong Pilipinas kasunod ng Desisyong ipinalabas ng Arbitration Courts the Hague, Netherlands na pumabor sa Bansa laban sa Tsina tungkol sa kaso ng pinag aawayang isla sa West Philippine Sea. Ipinalabas ng " Permanent Court Arbitration (PCA) ang "Unanimous Award" Pabor sa Pilipinas na nagsasabing walang  karapatang angkinin ng Tsina ang mga isla sa loob ng "Exclusive Economic Zone (EEZ)" ng Pilipinas . Ang layon ng ating mambabatas ay upang maagapan ang anumang bantang pagkasira ang ilalim ng dagat na dulot ng pagkuha ng mga intsik ng corals at iba pang yamang dagat o baka alam na ring nila na may natuklasang langis sa ilalim nito kaya ayaw nilang lisanin ang lugar.
              Makikita rin sa mga mapa na nakapasok ang Scarborough Shoal o West Philippine Sea sa Philippine Area of Responsibility or PAR kung kayat ito ay pagmamay ari ng pilipinas at ipinakita rin ang kauna unahang mapa na binili pa ng Pilipinas sa ibang bansa na noon paman ay kasama na sa mapa ang West Philippine Sea at pag mamay ari na ito ng Pilipinas.
             Ngunit ganoon parin ang kagustuhan ng Tsina na angkinin ang West Philippine Sea kayat sa tuwing ang mangingisda ng Pilipinas ay nangingisda at nakakapunta sa West Philippine Sea ay pinapaalis ng Tsina ang mga mangingisda at gumagamit sila ng dahas upang makaalis ng tuluyan ang mga Pilipino.Binobombahan sila ng tubig upang makaalis at maitaboy nila ang mga Pilipino. Hindi nagiging makatarungan ang ginagawa ng mga dayuhan o ng Tsina sa mga pilipino at ang pagbabanta pa ng mga ito. Ngunit hindi parin nagpapatalo at nagpapatinag ang mga Pilipino kung kaya't naipanalo ng mga Pilipino ang kaso at dapat sundin at igalang nalang ng Tsina ang Desisyon tungkol sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea


Sanggunian:
              http://www.washingtonpe.dfa.gov.ph/images/PDF/WPS%20Isang%20Sipat.pdf
              http://balita.definitelyfilipino.com/posts/2016/07/pilipinas-nagbunyi-sa-pagkapanalo-vs-tsina-sa-kaso-ng-west-ph-sea/
              http://tapatnews.com/ang-mga-naipanalo-ng-republika-ng-pilipinas-sa-peoples-republic-china-hinggil-sa-west-philippine-seasouth-china-sea/

Mga Komento

  1. Slots Casino Review & Bonus Codes - LuckyClub.live
    The company offers all of the latest games to be launched by the most successful gambling company. If you luckyclub like the casino, you can bet on its

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento